Tila pwede rin daw gumanap na “Black Rider” ang award-winning Kapuso news anchor/journalist na si Atom Araullo ayon sa lead actor mismo ng naturang serye na si Ruru Madrid.

Sa isang Facebook post kasi ni Atom nitong Lunes, Mayo 6, inihayag niya ang kaniyang tila interes na maging cast ng Black Rider.

“Nag jacket sa party baka sakaling mapagkamalang cast ng Black Rider 😬” saad ni Atom sa caption ng ibinahagi niyang larawan.

Sey tuloy ni Ruru: “Pwedeng pwede po sa Black Rider Sir Atom! 🙌” 

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

“Hahaha ayan may basbas na! 😎” tugon naman ng Kapuso news anchor/journalist.

Umani rin ng mga positibong reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Atom. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Ang pogi mo idol atom❤️😘😘”

“Ang cute ni sir atom”

“Si sir Atom talaga favorite news caster ko 😍”

“Stunning”

“Pogi mo naman beh 😮‍💨😍”

Pero sa kabila ng kaniyang attractive personality, inamin ni Atom sa isang panayam na isa raw siyang torpe at ‘di nagka-jowa noong college.

MAKI-BALITA: Atom Araullo, aminadong torpe; ‘di nagka-jowa noong college