Kinukuwestiyon daw ngayon ang kapasidad ng asawa ni Kapamilya singer Angeline Quinto na si Nonrev Daquina pagdating sa pagsusustento.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Mayo 6, iniulat ni showbiz columnist Cristy Ferminute kung saan nag-uugat ang pagdududa ng mga netizen kay Nonrev.

“Si Nonrev Daquina binabash-bash ngayon. Dahil ‘di ba nagpakasal na nga sila ni Angeline Quinto. Ano raw mangyayari kay Angeline e lima na ang anak ngayon nitong si Nonrev kasi may anak na siya sa una. Puro babae,” saad ni Cristy.

“Syempre hindi naman po maiaalis sa atin na mag-isip kung ilan na ang anak niya, saan nga naman ba kukuha ng pangsustento ngayon si Nonrev? E, wala naman tayong napapabalitang negosyo niya,” segunda naman ng co-host niyang si Romel Chika.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Dapat dahil siya ang ama ng tahanan dapat siya ‘yong nakikita ng publiko na nagtatrabaho talaga para hindi sinasabi na umaasa lang siya kay Angeline Quinto. Nakakalungkot naman ‘yang ganyan. Kaya ngayon, binabash-bash siya,” saad pa ni Cristy.

Kaya naman, ang mungkahi ng showbiz columnist ay magkaroon ng negosyo si Nonrev para naman maipagmalaki nito ang sarili na bagama’t hindi artista ay mayroon namang hanap-buhay na itinataguyod.

Matatandaang ilang beses nang pinabulaanan ni Angeline ang isyung ito na iniuugnay palagi sa asawa niyang si Nonrev kahit noong hindi pa sila kasal.

MAKI-BALITA: Solong naghahanapbuhay? Angeline Quinto, dinepensahan ang fiancé sa mga malisyusong intriga

MAKI-BALITA: Jowa ni Angeline Quinto, inaakusahang namemera lang daw; singer, nagsalita na