Nagkaayos na ang Kapamilya star na si Francine Diaz at ang bandang Orange & Lemons matapos ang nangyaring “singitan issue” sa isang event na ginanap sa Occidental Mindoro.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News noong Sabado, Mayo 4, ibinahagi ni Francine ang umano’y peace offering nila ng lead guitarist at frontman ng nasabing banda na si Clem Castro. 

“Sir Clem offered na parang kung mayro’n akong gagawing songs in the future, pwede siyang magsulat for me. At kung mayro’n akong ‘sinusulat, pwede niyang mas ayusin pa ‘yon,” saad ni Francine. 

“Ako rin po as my peace offering, in-invite ko po siya sa araw na isho-show ‘yong first movie namin ni Seth [Fedelin]," dugtong pa ng aktres.

Teleserye

Mon Confiado, nag-react sa sinabi ni Herlene Budol na nakakatakot siya

Sa isang bahagi ng panayam ay ibinahagi ni Clem na siya raw ang nagkusang magpatawag ng meeting matapos ang event dahil sa nabuong tensyon. 

“The show was two hours delayed. So, ang bilis ng pangyayari. Magulo backstage. Things got out of hand and out of control," paliwanag ni Clem. 

"I apologized for my behavior, I explained my side. They explained their side. And we found the root cause of the problem - it’s miscommunication," saad niya.

Humingin rin naman daw si Francine ng paumanhin sa banda. Hindi raw kasi siya nakapag-isip nang maayos noong oras na tinawag siya sa stage para mag-perform.

“I should've acknowledged them,” sabi ni Francine. “But because of intimidation, hindi ko po alam ‘yong gagawin ko."

"Nag-apologize din po ako kay Sir Clem, kasi kahit hindi ko po intention na mag-disrespect, gano’n po ang nangyari. Gano’n ‘yong naging kalabasan," aniya.

Bukod kina Clem at Francine, kasama rin nilang humarap sa media ang organizer at prdoucer ng event na si Kylee Dioneda para humingi ng paumanhin at akuin lahat ng pananagutan.

MAKI-BALITA: Isyu ng ‘paniningit’ ni Francine Diaz, tinuldukan na ng organizer

Matatandaang nag-viral sa social media ang pag-walk out umano ng bandang “Orange & Lemons” nang “pasingitin” bigla ng event host si Francine sa naturang event.

MAKI-BALITA: Francine ‘agaw-eksena’ raw sa Orange & Lemons; netizens, nanimbang sa isyu

Nagbigay pa nga ng pahayag ang lead guitarist at frontman ng banda na si Clem Castro dahil sa nangyari.

MAKI-BALITA: Clem Castro ng Orange & Lemons, bumoses: ‘Sana walang sumisingit, respeto lang!’

Samantala, tila ipinagpalagay naman ng ilang netizens na ang isang social media post ni Francine matapos ang event ay tila patutsada niya sa naturang banda.

MAKI-BALITA: Francine tungkol sa respeto, sagot sa pasaring ng Orange & Lemons?