Kuhang-kuha ang inis at gigil ng netizens at viewers ng "FPJ's Batang Quiapo" sa nangyayari ngayon sa kuwento, lalo na sa pagtira ng karakter ni "Lena" na ginagampanan ni Mercedes Cabral, sa bahay ni "Rigor" na ginagampanan ni John Estrada, kasama ang legal na misis na si "Marites" o si Cherry Pie Picache.

Matatandaang nahuli na mismo ni Marites ang relasyon nina Rigor at Lena, at dahil buntis si Lena na siyang kabit, pinatira ito ni Rigor sa kaniyang bahay kasama ang misis.

Nang tanungin ng karakter ni Irma Adlawan na si "Olga" si Marites kung bakit ito nagpapakamartir, sinabi nitong mahal niya ang asawa at matagal na panahon daw na nagtiis ito sa kaniya, kaya hindi niya matatalikuran.

"Sige, sabihin na natin, mahal mo talaga ang asawa mo. Pero napakatanga mo naman! Rukrukan ka na ng katangahan. Pero hindi naman ibig sabihin na tanga ka, hahayaan mo na lang na bastusin ka nila, lulunukin mo ang dignidad mo?" matapang na pahayag ng karakter ni Irma na relate naman sa mga manonood.

James Reid, nagoyo ni Jeffrey Oh?

"Grabe hahaha, para sa mga rukrukan ng katangahan... ito ang word!"

"Nakakainis si Olga bilang nagpapanggap na kaibigan, pero on point ang mga sinabi niya!"

"Hayup, tama naman eh hahaha, papayag ka ba na kasama mo sa iisang bubong ang kabit?"

"Parang di na makatotohanan no? Pero for sure nangyayari 'yan, may mga ganiyang set-up."

Kaya naman, pakatutukan lang ang serye at abangan kung ano ang susunod na mga mangyayari sa kuwentong ito!

MAKI-BALITA: Cherry Pie Picache, kinaladkad at ipinahiya si Mercedes Cabral