Naglabas ng pahayag si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro kaugnay sa “devious machination” ng Chinese Embassy para manipulahin ang diskurso sa isyu ng West Philippine Sea.
Sa Facebook post ng DND nitong Linggo, Mayo 5, muling sinabi ni Teodoro na hindi niya umano pinahihintulutan ang pakikipag-ugnayan ng pinangangasiwaan niyang ahensya sa Chinese Embassy.
“I reiterate that I have disallowed any contact between the DND and the Chinese Embassy since the courtesy call of Ambassador Huang Xilian, a few days after I assumed office in July of last year. During the said courtesy call, there was no discussion or briefing on any ‘gentleman's agreement’ or ‘new model’, which is contrary to the Chinese Embassy's pronouncements,” pahayag ni Teodoro.
“This charade must stop,” aniya.
Dagdag pa ng kalihim: “I am issuing this statement to generate awareness on this clear attempt by China to advance another falsehood in order to divide our people and distract us from their unlawful presence and actions in our EEZ.”
Kaya naman, inabisuhan niya ang mga Pilipino, media, at ang international community na mag-ingat sa paraan ng China sa pagmamanipula at pangingialam alang-alang sa kanilang sariling interes.