Nagbigay ng reaksiyon at pahayag si Cedric Lee matapos mahatulang guilty sa kasong "serious illegal detention for ransom" ng "It's Showtime" host na si Vhong Navarro.

Reclusion perpetua ang hatol ng korte sa Taguig sa kanila ni Deniece Cornejo at iba pang mga kasama. Agad na idiniretso sa Bureau of Corrections sina Deniece at ang isa pang convicted na si Simeon Raz. Naglabas naman kaagad ng arrest warrant para kay Cedric at isa pang nahatulang si Ferdinand Guerrero.

Sa inilabas na desisyon na may 94 na pahina, sinabi ng Taguig RTC-Branch 153 na "guilty beyond reasonable doubt" sa kasong serious illegal detention for ransom sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code.

“It is all too apparent that the accused planned and premeditated to restrain Vhong Navarro to extort money from him. Proof of their agreement is inferred from their conduct before, during, and after the commission of the crime,” ayon sa desisyon ng hukuman.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

MAKI-BALITA: Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty sa kasong isinampa ni Vhong Navarro

Kusa namang isinuko ni Lee ang sarili sa National Bureau of Investigation (NBI). Nanindigan siyang hindi grabe ang mga nangyari noong 2014 kaya hindi makaturungang panghabambuhay na pagkakabilanggo ang parusa sa kanila. Sinabi pa ni Lee na aapela pa sila sa desisyon, sa Court of Appeals.

MAKI-BALITA: Cedric Lee, nasa kustodiya na ng NBI

“Nagkasakitan lang nang kaunti. Slight injuries. May nasaktan din naman sa amin noong lumaban siya. Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang,” pahayag pa ni Lee.