Nagbigay ng reaksiyon at saloobin ang showbiz columnist-talent manager na si Lolit Solis sa pagsasampa ng tatlong magkakahiwalay na cyber libel case ng Kapuso star na si Bea Alonzo sa mga kasamahan sa panulat na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, naghain ng cyber libel cases laban kina Cristy Fermin, Ogie Diaz

Sey ni Lolit, "guilty" siya sa mga naisulat niyang "kagagahan" noon sa aktres na ilang buwan din niyang pinaulanan ng tirada at okray.

Mababasa sa Instagram post ng showbiz insider, "Salve nagulat ako sa ginawa ni Bea Alonzo na pagsampa ng libel case sa mga kasamahan natin writers. Kasi nga guilty din ako sa mga nauna kong sinulat nuon na mga kagagahan tungkol kay Bea."

Tsika at Intriga

Jennylyn Mercado, 'di susulutin ng ABS-CBN

Nagpapasalamat naman daw si Lolit na sa kabila ng lahat ay hindi napikon sa kaniya si Bea. In fact, mukhang nagkaayos na nga silang dalawa matapos magkita nang di-sinasadya sa isang event.

MAKI-BALITA: Lolit Solis hinarap si Bea Alonzo sa isang party

"Pero in fairness at thankful ako na hindi napikon si Bea Alonzo. Kung minsan kasi, may mga pagkakataon na iba ang mood mo pag meron mga ganitong pangyayari. Infact napikon pa ako sa binitawan salita nuon ni Shirley Kuan na ‘I will consult my lawyer’."

"But in fairness talaga at very thankful ako, naging very sweet at forgiving ni Bea Alonzo ng magkita kami sa isang presscon. Kaya nga masasabi ko, tiyempo lang kung minsan. May mga mood din kasi bawat tao, at kung minsan pag natiempo ka sa pangit na mood, hayun na."

"Parehong may ipinaglalaban ang dalawang kampo. Pareho tiyak na desidido sila na ipakita kung sino ang tama. At pareho din sila tiyak na naka focus sa resulta ng kanilang aksiyon. Tulad siguro ni Vhong Navarro na talagang 10 taon ang hinintay para sa kaso na isinampa laban kila Denice Cornejo at Cedrick Lee, handa din maghintay ng matagal sila Bea Alonzo at mga kinasuhan niyang writers. Hindi mo sasabihin sayang ang oras pag naka focus ka sa ginawa mo."

Sa palagay naman daw ni Lolit ay nakahanda sina Cristy at Ogie hinggil sa labang nag-aabang sa kanilang dalawa.

"At mukhang pareho naman handang ipaglaban nila Bea Alonzo, Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang kaso. Ipinaglalaban ng bawat panig ang kanilang karapatan. Ang kanilang paniniwala na tama ang kanilang ginawa. Dasal ng lahat na kung maayos, sana maayos pa. Maghintay na lang tayo, alam ni Bea Alonzo ang kanyang ginawa, at alam din nila Cristy Fermin at Ogie Diaz ang kanilang karapatan."

"Hintayin natin ang magiging resulta. Hintayin natin hanggang saan makakarating. Idasal natin na sana maging maayos ang lahat. Marami ng problema sa paligid at sana mas magaan na ang mga magaganap na pangyayari. We wish the best for both parties. Maayos sana maging takbo ng kanilang mga aksiyon. Bongga."

Samantala, nagbigay na rin ng reaksiyon ang dalawang kinasuhan sa mga naging legal na hakbang ni Bea.

Si Ogie ay nag-post sa kaniyang My Day sa Facebook habang si Cristy ay nagsalita mismo sa kaniyang radio/TV program na "Cristy Ferminute." nitong Biyernes, Mayo 4.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa inihaing kaso ni Bea laban sa kaniya: ‘Ayoko nang magpakaplastik…’

MAKI-BALITA: Ogie ‘nang-agaw’ ng moment, nag-sorry kay Vhong

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, itinangging pinagkakakitaan si Bea Alonzo

MAKI-BALITA: Cristy pinayuhan si Bea Alonzo: ‘Gumawa ka nang mabuti patuloy kitang papalakpakan…’

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, mahabang panahong ipinagtanggol ni Cristy Fermin: ‘Kinalaban ko po ang lahat!’