Pabata nang pabata ang mga Pilipinong umiinom ng alak, batay sa inilabas na statistics ng ginawang pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI).

Batay umano sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng DOST-FNRI, humigit-kumulang 13.2 % ng mga Pilipino sa pagitan ng edad na 10 at 19 ay marunong nang tumoma o lumaklak ng alak.

16.1% daw ang bilang ng kabataang lalaki kumpara sa kabataang babae na 10.4%.

Sinabi rin ng DOST-FNRI na 4.9% sa kabuuang bilang ay mga kasalukuyang umiinom habang higit sa kalahati sa kanila o 51.4% ay binge drinker o labis ang pag-inom ng alak. Napag-alaman din sa pag-aaral na ang pinaka-iniinom na alcoholic beverage ay "beer."

National

Sarah Elago, first nominee ng Gabriela sa 2025 elections

Binigyang-kahulugan ng World Health Organization (WHO) ang binge drinking bilang “excessive consumption of alcoholic beverages, specifically the intake of four or more standard drinks in a row for females or five or more for males by those who reported drinking alcoholic beverages in the past month.”

Noong 2019, lumabas naman sa pag-aaral na ang mga Pinoy edad 20 hanggang bago 30 ang pinakamalakas uminom ng alak. Subalit naalarma na ang FNRI sa datos na kahit 10-anyos hanggang 19-anyos pa lang, tumotoma na.