Umabot sa “danger” level ang heat index sa 23 lugar sa bansa nitong Huwebes, Mayo 2, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, naranasan ang “dangerous” heat index sa mga sumusunod na lugar nitong Martes:
- Dagupan City, Pangasinan - 48°C
- Aparri, Cagayan - 48°C
- Roxas City, Capiz - 46°C
- Laoag City, Ilocos Norte - 45°C
- Cuyo, Palawan - 45°C
- Iba, Zambales - 44°C
- Dumangas, Iloilo - 44°C
- Zamboanga City, Zamboanga del Sur - 44°C
- Tuguegarao City, Cagayan - 43°C
- San Jose, Occidental Mindoro - 43°C
- Puerto Princesa City, Palawan - 43°C
- Virac, Catanduanes - 43°C
- Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac, Ilocos Norte - 42°C
- Casiguran, Aurora - 42°C
- Cubi Pt., Subic Bay, Olongapo - 42°C
- Infanta, Quezon - 42°C
- Coron, Palawan - 42°C
- Aborlan, Palawan - 42°C
- Masbate City, Masbate - 42°C
- Catbalogan, Samar - 42°C
- Borongan, Eastern Samar - 42°C
- Davao City, Davao del Sur - 42°C
- Cotabato City, Maguindanao - 42°C
Ayon sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.