Pabirong natsika ng sikat na social media personality at paresan owner na si "Diwata" ang ginawa sa kaniya ng lead star at direktor ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin sa unang araw at beses na sumabak siya sa taping.

Pag-amin ni Diwata kay Toni Gonzaga na kinapanayam siya sa "Toni Talks," kabadong-kabado raw siya noon dahil ano ba namang malay niya sa taping at pag-arte sa camera?

Lalo na't kaeksena niya sina Coco at leading lady nitong si Ivana Alawi.

"Nakakakaba nga eh," ani Diwata.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

"Kasi hindi ko naman alam 'yang mga taping-taping na 'yan, Parang sige, go, kakayanin ko na lang. Kasi opportunity 'yan eh, minsan ;ang 'yan dumating kaya huwag mo nang pakawalan."

"Tinuturuan ka ni Coco?" tanong pa ni Toni.

"Yes, mabait si Coco, tinuturuan niya 'ko. Muntik na nga niya akong mahalikan eh," natatawang sabi ni Diwata na ikinatawa ni Toni.

"Bakit naman kayo muntik maghalikan?" tanong ni Toni.

Sagot naman ni Diwata, noong una raw kasi ay hindi niya mabitiwan ang script dahil sa kaba. Biniro na lang siya ni Coco na hahalikan na lang siya para mawala ang kaba niya. Hindi naman daw pumayag si Diwata.

Muling iginiit ni Diwata na sobrang bait ni Coco Martin sa kaniya bilang katrabaho at direktor.

Biro naman ng mga netizen, "kabahan" na raw ang karelasyon ni Coco na si Kapamilya actress Julia Montes, kaloka!

MAKI-BALITA: Move on ba kamo? Sumaksak kay Diwata noon, empleyado niya ngayon