Tila ayaw aminin ni “Elevator” star Paulo Avelino ang kaniyang kasalukuyang relationship status nang kapanayamin siya ni TV host-actor Luis Manzano sa latest vlog nito noong Sabado, Abril 29.

Sa isang bahagi kasi ng panayam ay kumasa si Paulo sa “Shot and Pass” challenge ni Luis. Sa naturang challenge, kailangang sagutin ni Paulo ang mga itatanong sa kaniya ni Luis dahil kung hindi ay iinumin niya ang inihanda nitong alak.

“Pau, shot or pass, ikaw ba ay single ngayon?” tanong agad ni Luis.

Pero sa halip na sumagot, ininom na lang ni Paulo ang alak na nasa shot glass.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Ito pangalawa—para may kaunting clarification lang do’n sa una mong sinagot—may nililigawan ka ba ngayon?” sundot pa ni Luis.

Pero gaya noong una, mas pinili ulit ni Paulo na tumagay na lang kaysa sumagot.

Biro tuloy ni Luis: “Alam mo, magpabili na lang tayo ng sisig. ‘Yon na lang gawin natin. Puro inom na rin ang ginawa mo.”

Matatandaang wini-wish ng fans nina Paulo at ng ka-love team niyang si Kim Chiu na sila na lang talaga in real life matapos makitaan ng chemistry ang dalawa simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. 

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?