Ibinahagi ni “Elevator” star Paulo Avelino kung anong next project ang sa tingin niya ay makaka-challenge sa kaniya bilang isang aktor.

Sa latest episode ng “Luis Listens” noong Sabado, Abril 27, sinabi ni Paulo na gusto niyang gumanap sa isang malaking sci-fi movie.

“May mga genres akong ‘di pa nagagawa na I’ve been wanting to do like a big sci-fi movie. Parang wala pang masyadong gumagawa dito sa Pilipinas,” pahayag ni Paulo.

“So giving a chance that someone gano’n katapang para mag-produce ng isang sci-fi na genre, sana ma-consider ako to be casted in it,” dugtong pa niya.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Tanong tuloy ng TV host-actor na si Luis Manzano: “Napaisip ako, parang wala kang nakikitang mga sci-fi recently na pinapalabas na movie, no? Do you think ‘yong culture natin na kailangan lagi love team, may gano’n?”

“Siguro a part of it is yes. Dahil parang minsan may mga formula or sure box office. But you know, well, someday,” sagot ni Paulo.

Halos lahat kasi ng genre ay tila nasubukan na ni Paulo. Kaya ngayon, binubuksan niya ang sarili sa posibilidad na makasama sa isang pelikulang sci-fi.

At ngayon nga ay kasalukuyan nang mapapanood ang “Elevator” sa mga sinehan sa bansa. Kasama niya sa naturang pelikula ang aktres na si Kylie Verzosa.