How true ang lumulutang na balitang buntis na raw ulit ang aktres na si Ellen Adarna sa asawa nitong si Derek Ramsay?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Abril 28, napag-usapan nina showbiz insider Ogie Diaz, Mrena, at Mama Loi ang tungkol sa umano’y pagbubuntis ni Ellen.

“Narinig ko lang naman. [Pero] itanong natin dito kasi baka i-deny wala rin namang problema. Gaano katotoo na si Ellen Adarna e buntis na?” lahad ni Ogie.

“Ay, talaga?” sabi ni Mama Loi. “Naku, sana totoo!”

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Matagal na raw kasi talagang hinihiling ng mag-asawang Direk at Ellen na magkaanak kaya maging sina Mama Loi at Ogie ay hoping na totoo ang nasabing balita.

“Saka nagpatanggal na nga ng boobey si [Ellen] ‘di ba, ‘yong kaniyang implant?” saad ni Ogie.

“In preparation dahil nga raw ‘pag halimbawa nagpa-breastfeed siya,” sey pa ni Mama Loi.

Matatandaan isiniwalat ni Derek noong Disyembre 2023 na nakunan umano si Ellen. Gayunpaman, nabanggit din ng aktor na bukas sila na bumuo ulit ng anak lalo’t natuklasan nilang dalawa na hindi sila baog pareho.

MAKI-BALITA: Ellen Adarna, nakunan sey ni Derek Ramsay

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag, tugon, o reaksiyon sina Derek at Ellen hinggil sa naturang balita.