Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Sarangani nitong Linggo ng gabi, Abril 28, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:01 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 128 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Kiamba, Sarangani, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

De Lima sa paggamit ng Duterte sa People Power: 'Galit sa mga aktibista pero gusto magpa-rally'

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.