Bumisita ang Kapamilya star na si Daniel Padilla sa isang animal shelter sa Pampanga para sa pagdiriwang ng kaniyang 29th birthday.

Sa ulat ng TV Patrol, masayang sinalubong si Daniel ng staff ng nabanggit na shelter pagkababa niya mula sa kaniyang sasakyan.

Ibinida naman ni Daniel ang ilan sa mga kuhang larawan sa pagsadya niya sa animal shelter na karamihan ay tinutuluyan ng mga aso at pusa.

Sa dulo naman ng mga larawan ay makikita ang larawan ni Summer.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Si Summer, ang alagang aso ni Daniel, na sinabi niyang pinaka-loyal na kilala niya, nang matanong siya sa media conference ng "2 Good 2 Be True."

Dito nagsimulang matunugan ng mga tao na tila may something sa relasyon nila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Anyway, narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens patungkol sa charity work ni Deej.

"Bakit ganun no? Gumawa ka ng mabuti o masama, may masasabi pa rin haters mo? anyways.. not all of them matters.. treasure those who appreciates you."

"yon nga ang nakakainis ang konting mali ni DJ ang nakikita pero ang malaki nagawa hindi palaging binabash bilib lang talaga kay Daniel dedma niya lahat kinaya niya. His really a real man."

"Yong pinang-aasar sa kanya si summer pero wala syang pakialam kase love nya talaga mga hayop..HBD DJP more blessings para marami ka pang matulungan."

"ang isang taong may malasakit at pagmamahal sa mga animals ay isa sa pinakamabuting tao"

"Salute sa adviser niya."

"happy birthday deej stay kind and humble we love you"

MAKI-BALITA: Sagot ng KathNiel tungkol sa ‘loyalty’ binabalikan ng netizens