Ibinahagi ng aktres na si Rosanna Roces ang pinakamasamang ugali ng isang tao na hindi niya gusto nang kapanayamin siya ni Aiko Melendez sa latest vlog nito kamakailan.

Ayon kay Rosanna, ayaw daw niya sa mga taong mayayabang pero wala namang narating sa buhay.

“May mga tao talaga na ang yabang pero sobrang walang narating. Tapos siya pa ‘yong masama ang tingin sa kapuwa niya,” pahayag ni Rosanna.

“Ang daming gano’n, Lalo na sa sirkulo natin,” dugtong pa niya.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Pero kung may kinaaayawan siya, may gusto rin naman daw siyang katangian ng isang tao.

“Nasa kaniya na nga lahat. Pero hindi siya mayabang. ‘Yong nakatapak ‘yong paa niya sa lupa. Kagaya mo,” sabi ni Rosanna kay Aiko.

Dagdag pa ng aktres: “Bilib nga ako sa ‘yo kasi ‘yong iba ‘pag naboto na, wala nang ginagawa ‘di ba? Pero ikaw, sa araw-araw na ginagawa ng Diyos na tinitingnan ko ‘yong post mo, ako ‘yong napapagod.”

Kaya napagtanto raw ni Osang na hindi talaga niya pwedeng pasukin ang politika dahil hind raw niya kaya ang mga ginagawa ni Aiko. Nagpasalamat naman ang huli sa papuri ng kaniyang kapuwa aktres.

Samantala, sa isang bahagi naman ng vlog ay inamin ni Rosanna kung sinong kaibigang artista ang pinanghihinayangan niyang nakasamaan ng loob.

MAKI-BALITA: Rosanna Roces, nanghihinayang sa friendship nila ni Ai Ai Delas Alas