May 21, 2026

Home BALITA Metro

Mayor Isko sa media: 'Be honest. Be consistent. Show up to the people you serve'

Mayor Isko sa media: 'Be honest. Be consistent. Show up to the people you serve'
courtesy: Nicole Therise Marcelo/Balita

Nagbahagi ng mensahe si Manila Mayor Francisco 'Isko' Moreno Domagoso sa mga miyembro ng media nitong Martes, Abril 28.

Sa isinasagawang Digital Media Asia 2026 ng World Association of News Publishers (WAN-IFRA) nitong Martes, winelcome ni Domagoso ang mga dumalong mamamahayag, news editors, news publishers at iba pang bahagi ng news media na mula sa iba't ibang bansa. 

Nagpasalamat ang alkalde sa WAN-IFRA—na pinangungunahan ni Lee Kah Whye, Director ng WAN-IFRA Asia Pacific—sa pagpili sa Lungsod ng Maynila bilang venue sa DMA 2026. 

Sa huling bahagi ng talumpati, nag-iwan ng maikling mensahe si Moreno para sa media.

"At the heart of all these simple question, how do we remain worthy of public's trust?" anang alkalde.

Metro

53-anyos na babae, namatay sa gitna ng AICS payout

Dagdag pa niya, "I believe the answer for media and for government alike is the same. Be honest. Be consistent. Show up to the people you serve."

Ang Digital Media Asia (DMA) ay ang pinakamalaking regional news media industry event sa "digital trends, revenue and technology." Ipagdiriwang nito ang ika-18 anibersaryo ngayong 2026.

Kasalukuyang ginaganap ang DMA 2026 sa The Manila Hotel mula Abril 28-29.