May payo ang dating "Pinoy Big Brother" Kumunity Season 10 celebrity housemate na si Brenda Mage sa mga nagnanais na mapabilang sa mga bagong housemate ni "Kuya" para sa Gen 11 o season 11 nito.

Nagsimula na kasi ang audition para sa PBB nitong Biyernes, Abril 28 sa Robinsons Mall Novaliches na dinagsa ng auditionees na aabot sa libong katao.

Isa si Brenda sa mga nagsadya sa venue upang magbigay ng inspirasyon sa auditionees kasama ang ka-batch at dating celebrity housemate na si Chie Filomeno, at housemate-turned-actress na si Karina Bautista.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Brenda sa auditionees na tiyakin nilang marunong sila magsaing bago pumasok sa PBB.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Sa mga mag audition ng PBB siguraduhin nyo marunong kayo mag SAING nakakahiya naman manonominate lang kayo dahil di ka marunong," aniya.

Aprub naman ito sa mga netizen at sinabi nilang nakakahiya raw kung simpleng pagsasaing o pagpapakulo ng tubig ay hindi pa magawa.

Siyempre nga naman, mabubuyangyang sa madlang people ang buhay mo, at hindi lang naman ikaw ang titira sa loob ng Bahay ni Kuya sa loob ng halos 100 days o higit pa.