Naglabas ng anunsiyo ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa magiging moda ng klase sa mga pampublikong paaralan sa darating na Abril 29 at 30.

Sa Facebook post ng DepEd nitong Linggo, Abril 28, sinabi nila na isasailalim sa asychronous o distance learning ang klase sa mga pampulikong paaralan sa buong bansa.

“In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) and the announcement of a nationwide transport strike, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on April 29 and 30, 2024,” pahayag ng DepEd.

“Likewise, teaching and non-teaching personnel in all public schools shall not be required to report to their respective stations,” anila.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Dagdag pa ng ahensya: “However, activities organized by Regional and Schools Division Offices, such as Regional Athletic Association Meets and other division or school level programs, to be conducted on the aforementioned dates may push through as scheduled, provided that measures for the safety of all participants have been carefully considered.”

Gayunpaman, bagama’t hindi saklaw ng ibinabang abiso ang mga pampribadong paaralan, binibigyan sila ng DepEd ng option na gawin din ang nabanggit na moda ng klase.