Walang nanalo sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi kung saan aabot sa mahigit ₱98.2 milyon ang jackpot nito.

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 46-32-52-15-20-21.

Inaasahang madagdagan ang nasabing premyo sa susunod na bola nito, ayon sa PCSO.

National

Hontiveros, hindi masyadong satisfied sa mga pahayag ni Alice Guo sa executive session

Ang Ultra Lotto ay binobola kada Martes, Biyernes at Linggo.

Matatandaang isang mananaya na taga-Pasig City ang nanalo ng mahigit sa ₱175.1 milyon nitong Pebrero 29 matapos mahulaan ang 6-digit na winning combination ng 6/58 Ultra Lotto.