Nagsagawa ng air assault exercise ang mga sundalo ng Pilipinas at Amerika sa pagpapatuloy ng Balikatan

exercise sa Balabac Island, Palawan nitong Abril 26.

Gumamit pa ng helicopter ang Philippine Marines at United States Marine Corps (USMC) upang magpadala ng mga tauhan sa designated zone para sa kunwaring operasyon.

National

Hontiveros, hindi masyadong satisfied sa mga pahayag ni Alice Guo sa executive session

Ipinamalas sa naturang military drill ang kakayahan ng Philippine at US Marines sa pagsasagawa ng komplikadong operasyon.

Kasama sa nasabing annual bilateral training exercise ang mahigit sa 16,000 sundalo ng Pilipinas.

Ang naturang military drill ay mula Abril 22 hanggang Mayo 10.