Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Officer-in-Charge Usec. Hans Leo Cacdac bilang bagong kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).
Inanunsyo ito ng Presidential Communications Office nitong Huwebes, Abril 25.
Si Cacdac ang tumayong Undersecretary ng DMW. Bukod sa kaniyang karanasan sa ahensya, nagsilbi rin siya bilang Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Executive Director V ng Philippine Employment Administration (POEA), at Undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Samantala, ang naturang pagkatalaga kay Cacdac ay nangyari ilang buwan matapos masawi ni dating DMW secretary Susan Ople noong Agosto 22, 2023.