Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang naging date night nila ng misis na si First Lady Liza Araneta-Marcos nitong Miyerkules, Abril 25.

Sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules ng gabi, nagbahagi si PBBM ng larawan ng kanilang naging dinner ni FL Liza.

“Date night,” caption ng pangulo sa kaniyang post.

Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi ng First Couple na nagkakaroon sila ng date tuwing araw ng Miyerkules.

National

PBBM, babawi kay FL Liza dahil sa tight schedule: 'Nagtatampo na!'

Kaugnay nito, ibinahagi ni PBBM noong Abril 8 na babawi siya sa kaniyang misis dahil “nagtatampo” na raw ito matapos magmintis ang dalawang dates nila dahil sa kaabalahan niya bilang pangulo ng bansa.

Nito lamang namang Abril 21 nang ibinahagi ni FL Liza sa kaniyang post ang tungkol sa kanila raw pagkakaroon ng “quality time” ni PBBM sa pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary.

https://balita.net.ph/2024/04/21/pbbm-fl-liza-nagka-quality-time-sa-kanilang-wedding-anniversary/

Bukod dito, ibinahagi rin kamakailan ni PBBM ang pagkain nila ni FL Liza ng “Jollibee” matapos daw silang ma-inspire kay New Zealand Prime Minister Christopher Luxon.

https://balita.net.ph/2024/04/22/pbbm-fl-liza-na-inspire-kay-new-zealand-pm-luxon-na-kumain-ng-jollibee/