Isa raw sa mga dahilan ng isang misis kung bakit niya iniwan ang mister dahil bad breath daw ito.

Sa episode ng Raffy Tulfo in Action nitong Miyerkules, Abril 24, dumulog ang misis na si Janet Cosme sa Wanted sa Radyo at inirereklamo ang asawa niya dahil sa pagtatalo nila sa pera at ayaw na raw niya itong balikan dahil nananakit at bad breath daw ito.

Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

Nagkakilala sina Janet at mister niyang si Roger Cosme sa Facebook. Botong-boto naman daw ang pamilya ni Roger kay Janet. Ikinasal daw sila noong Nobyembre 25 at naghiwalay noong Enero 24.

Nagdesisyon ang misis na makipaghiwalay sa mister dahil aniya nananakit daw ito.

“Nagdesisyon na po akong makipaghiwalay sa kaniya kasi nananakit po siya. Binugbog niya po ako,” ani Janet.

Tinanong naman ni Tulfo kung ano pa ang ibang dahilan bukod sa pananakit ng asawa.

Sagot ni Janet, “Ayaw ko na po sa kaniya kasi bad breath po. Hindi po siya mapaglinis. Mapamura po. Toxic po kasama.”

“Bakit hindi mo siya bigyan ng toothbrush para mag-toothbrush siya napakadali lang no’n,” natatawang sabi ni Tulfo.

“Kahit ano pong pagsasabi sa kaniya hindi niya po ginagawa. Minsan sapilitan niya po akong ginagalaw po eh kahit walang ligo,” sagot pa ni Janet.

Paliwanag pa ng misis na basta-basta lang kung maligo ang mister niya dahil hindi raw ito naghihilod at gumagamit ng shampoo at sabon.

Gayunman, pinabulaanan ni Roger ang mga paratang sa kaniya ng kaniyang misis.

“Hindi po totoo ‘yan. Lagi naman po akong nagto-toothbrush,” aniya. “Kahit minsan po hindi ko po ‘yan sinaktan. Mali po ‘yung mga pinagsasabi niyan.”

Samantala, ang puno’t dulo ng reklamo ay dahil sa usapin sa pera.