Windang ang mga netizen sa naging sagot ng singer, actor, at talent manager na si James Reid sa tanong sa kaniya ng isang pahayagan kung ano ang mga gusto niyang suot kapag ganitong napakainit ng panahon dahil sa summer.

Sagot ni Reid, wala!

"For summer, I don’t like wearing clothes at all!" aniya.

Mas gusto raw niyang walang saplot lalo na kung nasa bahay lang siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Well, reaksiyon ng mga netizen, wala naman daw masama kung nasa bahay lang naman dahil mas komportable nga naman kung walang suot lalo na't pumapalo na sa 40 degree-Celsius pataas ang heat index lately, nakakaloka!

Pero biro naman ng mga "patay na patay" sa ex ni Nadine Lustre, puwede rin naman siyang mag-burlesk kahit wala sa bahay.