Tila nagbunyi ang mga "legal wife" sa maiinit na eksena nina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Bentang-benta sa mga netizen ang eksena kung saan kinaladkad at ipinahiya ni "Marites" (karakter ni Cherry Pie) ang eskabetse ng mister niyang si "Rigor" (John Estrada) na si "Lena" (Mercedes Cabral).

Silang dalawa ay parehong pulis.

Naabutan mismo ni Cherry Pie ang "MOMOL" nina Mercedes at John kaya hinila niya ito palabas at ipinahiya sa mga tao.

Tsika at Intriga

Parinig kay Harry Roque? Vice Ganda nagbiro tungkol sa 'kadiliman vs. kasamaan'

"Ang kati mo! Mas malala ka pa sa higad! 'Yong asawa ko, ginawa mong pangkamot!"

"Alam mo kung bakit ako pinangkakamot ng asawa mo? Dahil kung pambura ka, pudpod ka na! Pinaglumaan ka na, dapat sa 'yo tinatapon na!" galit na sabi ni Mercedes.

"Anong akala mo sa'yo, bago? Gusto mo ipagmalaki?" galit na sabi naman ni Cherry Pie.

Pagkatapos nito ay kinaladkad palabas ni Cherry Pie si Mercedes sa kalsada at ipinahiya sa harapan ng maraming tao.

"Oh ito! Pulis ito! Pero imbes na nagbabantay, asawa ko ang tinutukan! Napakawalanghiya mo, napakalandi mo!"

Relate naman ang mga "misis" at iba pang netizen sa eksena.

"Kulang pa 'yan sa mga kabet na mas matapang pa sa mga legal na asawa!"

"Exciting at juicy ang mga eksena hahaha pero nangyayari naman talaga 'yan in real life 'di ba?"

"Mas matapang pa talaga ang kabetchina kaysa sa legal na misis no? Sarap ingudngod sa semento."

"Galing nina Cherry Pie Picache and Mercedes Cabral hahaha."

"Kuhang-kuha mo inis namin, Lena!"

Ikaw ba, relate-much ka ba?