Tila may pinatututsadahan ang aktres na si Vivian Velez sa kaniyang Facebook post noong Abril 20, 2024 tungkol sa isang "mukhang palaka."

Ibinahagi ni Vivian sa kaniyang post ang kaniyang sariling litrato noong Oktubre 12, 2022 na may caption na "Bring it on. We can do this."

"Dapat ganyan ang itsura mo pagsinasabi mo ang 'bring it on' 😅 hindi yung mukha kang palaka 🐸" caption dito ni Vivian.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bagama't walang binanggit na pangalan o kung sino ang pinatutungkulan, batay sa comment section nito ay makikitang ang pinaghugutan nito ay ang pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa panayam sa kaniya ni Anthony "Ka Tunying" Taberna.

Photo courtesy: Screenshot from Vivian Velez (FB)

MAKI-BALITA: Katunying, may appreciation post kay FL Liza Marcos

Ibinahagi ni Vivian ang isang art card na nagpapakita sa naging kontrobersiyal na pahayag ni FL Liza.

“Bring it on, honey. You are the size of your enemy. I will never stoop down that level. Everytime they say that, they become uglier and uglier. Just look at their face ‘di ba? Tayo, cute pa rin tayo. What a life. Bring it on. There is such thing as karma,” anang Unang Ginang.

MAKI-BALITA: Liza Marcos sa mga Duterte, kritiko: ‘Bring it on. They become uglier and uglier’

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Tama… bakit nga kaya.. New Yorker pero.. imposible naman na wala yan make up artist.. kaso wala yata talaga maipalabas na ganda kundi mukha talagang kokak hehe."

"Aylabit hahaha."

"Hahaha! Tumpak miss V!"

"Hahaha! Mismo Ms. V!"

Si Vivian ay kilalang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, at bagama't si dating Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang inendorso niyang presidente, ang kaniyang pangalawang pangulo naman ay si Vice President Sara Duterte.