Nakakaloka ang mga komento ng netizen sa latest Instagram post ng nobyo ni Miss World Philippines 2013 Megan Young na si Mikael Daez.

Sa naturang post kasi ay makikita ang video ng celebrity couple na magkasama sa Boracay habang kapuwa nila suot ang kani-kanilang beachwear. 

At dahil naka-two piece lang si Megan, lumitaw ang korte ng kaniyang katawan. Napansin ng ilang netizen na tila tumataba siya. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Parang buntis na sya ung shape Ng tummy nya☺️☺️😊”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“True Katuwa naman if totoo Diba advance congratulations”

“Tumataba na sya”

“Feeling k preggy sia. Anyway congrats ❤️”

“Gaining weight is okay.. Maganda ka pa din sya. Pero parang buntis yung shape ng katawan nya. Ayoko pangunahanan, but i congratulate you if true. ❤️”

“Luhh ung mga comments nmn Dito duh! Love you two!😍 Don't mind the comments Meg!”

“The body comments are so cringe. Dearies, it's 2024. Keep your stupid thoughts to yourself.

“Grabe nag gagain na ng weight bagay na bagay apakaganda 😍😍❤️❤️”

Pero sa kaniyang TikTok account kung saan naka-upload din ang naturang video, pinabulaanan ni Megan ang haka-hakang buntis siya. 

“Preggy knaba ms.world ? congratulations po 🥰😍” saad ng netizen.

Sagot naman niya: “Hindi po.”