Pinusuan ng mga netizen ang maiksing hair cut ni "It's Showtime" host Kim Chiu para sa pagdiriwang ng kaniyang 34th birthday nitong Abril 19.

"A year older. Braver. Stronger. Smarter. Wiser. 🩶✨🎂🙏🏻," mababasa sa caption ni Kim, kalakip ang birthday video niya kung saan makikita ang kaniyang short hair.

"Thank you for remembering my special day, and thank you for all the lovely, heartwarming greetings you sent me here on social media and thru personal messages. It made my heart smile a little extra today.☺️❤️🎂🙏🏻✨"

Bumaha naman ng pagbati sa kaniya mula sa malalapit na kaibigan at kasamahan sa showbiz gaya ni Bela Padilla, Melai Cantiveros, Vina Morales, Jugs Jugueta, Vina Morales, at iba pa.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa mga babae, kapag nagpaputol o nag-iba raw ng hair cut o hairstyle, ito ay pahiwatig daw ng kaniyang pagmo-move on sa break-up. Ito na nga ba ang hudyat ng totally pag-move forward ni Kimmy sa naging hiwalayan nila ng ex-boyfriend na si Xian Lim?

Lalo't ang haba-haba ng hair ngayon ni Kim dahil bukod sa kaniyang katambal ngayon na si Paulo Avelino na nagsimula sa "Linlang" at ngayon ay sa "What's Wrong with Secretary Kim," inirereto rin sa kaniya ang Cebu-based lawyer na si Atty. Oliver Moeller na sumali bilang searchee sa "EXpecially For You" at siyang napili ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee.

Makahulugan naman ang sagot ng abogado nang maurirat ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe tungkol dito.