Naitanong ni showbiz insider Ogie Diaz sa celebrity couple na sina EA Guzman at Shaira Diaz kung may posibilidad bang tumagal nang 11 years ang relasyon nila kung ginawa nila ang premarital sex. 

Sa latest episode ng vlog ni Ogie nitong Biyernes, Abril 19, sinabi ni EA na hindi pa rin daw niya iiwan si Shaira kahit isinuko nito ang bataan sa kaniya.

“Siguro, Mama Ogs, hindi, e. Siya pa rin. Kasi ‘yong pagmamahalan namin para kaming mag-bestfriend, e. Parehas kaming nasa industriya ng showbiz [...] Suportahan kami,” saad ni EA.

“Yeah,” segunda naman ni Shaira, ”hinahayaan naming mag-grow ‘yong isa’t isa. Kino-correct namin kung sa tingin namin hindi tama. Kung sa tingin niya tama ‘yong ginawa niya, sa akin sa paningin ko hindi, iko-correct ko. I-explain namin sa isa’t isa na may mga bagay na akala mo tama pero mali.”

Relasyon at Hiwalayan

Geneva Cruz, bukas pa rin ang puso sa true love

Dagdag pa ni EA, mas nagiging magaling pa raw siya sa trabaho dahil kay Shaira taliwas sa nagiging isyu umano sa kaniya dati na naapektuhan ng relasyon niya ang kaniyang career.

“And that’s the right love, ‘di ba? Suportado ka, iintindihin ‘yong trabaho mo. Kumbaga nagiging mas magaling ka kumpara sa dating ikaw. That’s love para sa akin. And si Shaira, kahit may nangyari sa amin, hindi ko siya iiwan kasi sa kaniya ko lang naramdaman na feeling ko hindi ko mararamdaman sa ibang babae,” saad pa niya. 

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inamin ni EA na minsan ay nahuli raw siya ni Shaira na nanonood ng porn.

MAKI-BALITA: Shaira Diaz, nahuling nanonood ng porn si EA Guzman

Matatandaang hanggang ngayon ay hindi pa rin isinusuko ni Shaira ang kaniyang bataan kay EA kahit enagaged na siya sa aktor.

MAKI-BALITA: Kahit hirap na ang jowa: Shaira Diaz, ‘di pa rin isinusuko ang ‘bataan’