How true ang balita na tumabang na raw ang loveteam nina “What’s Wrong With Secretary Kim?” stars Paulo Avelino at Kim Chiu?

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Abril 18, nagbigay ng update si showbiz insider Ogie Diaz tungkol sa dalawang artista.

“Sa totoo lang, hindi pa po sila. ‘Yon lang ang ating wini-wish. Kasi ang nalaman ko lang mula sa production staff ng  ‘What’s Wrong With Secretary Kim?’ e parang hindi na raw gano’n ka-sweet,” lahad ni Ogie.

“Okay sila sa set. Pero ‘yong ligawan medyo malabo raw. [...] Syempre nalungkot ako,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Dagdag pa ni Ogie: “Mas sweet sila no’ng una. Nito na raw parang hindi na gano’n ka-sweet. [...] At syempre sabi ko sa kausap kong production staff, sana sila pa rin ang magkatuluyan kasi talagang gustong-gusto ko sila.”

Matatandaan kasing nakitaan ng chemistry ang dalawa simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”. Nasundan pa nga ito ng “WWSK?” sa ilalim naman ng Viu at ABS-CBN na pinroduce ng Dreamscape Entertainment.

MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’

MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?