Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Biyernes ng umaga, Abril 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:17 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 394 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 13 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.