Isang 4.6-magnitude na lindol ang yumanig sa baybaying sakop ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Abril 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:34 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 371 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 274 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Kahit nasa ₱700M na lang ang budget: OVP, tuloy pa rin ang trabaho

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.