Nilinaw ng GMA Sparkle artist na si Cassy Legaspi na na-hack daw ang kaniyang official Facebook account.

Sa kaniyang Instagram story nitong Lunes, Abril 15, sinabi ni Cassy na hindi na raw niya hawak naturang social network site.

“This Facebook account used to be mine, until I was hacked in 2021. So to clear things up, this account is currently hacked and not handled by me,” saad ni Cassy.

Kaya naman, umapela si Cassy sa kaniyang followers na tulungan siyang i-report ang naturang account sabay lapag ng kaniyang bagong Facebook page sa isang hiwalay na post.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

“Thank you all so much,” aniya.

Tila nawindang kasi ang mga netizen sa sunod-sunod na post ng sweet video nila ni “It’s Showtime” host Darren Espanto.

Ito ay matapos isiwalat ni Darren sa isang episode ng “It’s Showtime” ang real-score nilang dalawa. Nagmukha tuloy naghahabol si Cassy sa Kapamilya TV host, actor, at singer.

MAKI-BALITA: ‘Move on na!’ Cassy, panay post ng video nila ni Darren

MAKI-BALITA: Sey mo Cassy? Darren Espanto may inamin, walang girlfriend ngayon