Napa-sana all ang netizens sa tugon ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda tungkol sa payo ng isang netizen na huwag kalimutang magpahinga kahit marami itong trabaho.

Sa X post ni Vice, nireplyan niya ang post ng isang netizen na nagsabing, “[marami] ka ngang work, don’t forget to ha?? ilysm.” Kaugnay ito sa mabilis na aksyon niya sa sumbong ng isang netizen na nasa abroad na hindi raw nila mapanood ang buong episode ng noontime show.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tugon ng host, “hangga’t may Ion [mayroon] akong pahinga.”

https://twitter.com/vicegandako/status/1778999413572243862

Dahil dito, napa-sana all na lang talaga ang netizens.

"just so thankful you found your pahinga, yung pipiliin at sasamahan ka palagi sa lahat ng lakbay sa buhay hihi i love you both"

"ang tugon: sana all!!"

"aww! nakakainggit hay! stay strong my babies! i hope nandyan kayo lagi for each other para kayong powerbank ng isa’t isa mwuah"

"EY VERY WELL SAID!!! PANO NAMAN KAMING WALANG ION"

"pahinga nila yung isa't isa"

"ay kaya pala di ako makapag pahinga ng matiwasay kasi wala akong ion"

"KAYA PALA LAGI AKONG PAGOD EDI IKAW NA PINAGPALA!!!"

"Hangat nandyan kayo may pahinga din kami, we love you both so much!!!"

"Ang aming tugon SANA ALL"