Nakatanggap ng batikos ang “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez matapos lumutang ang kuwento tungkol sa tangkang panggagahasa umano sa kaniya.

Sa Facebook post ng ama niyang si Johng Florendo nitong Biyernes, Abril 12, ibinahagi niya ang screenshot ng ipinadalang mensahe sa kaniya ng isang netizen.

“Di talaga nawawala sa eksena mga ganitong tao. 🤬” saad ni Johng sa caption ng post.

Sabi kasi sa naturang mensahe: “DAPAT UMALIS NA YAN ANAK MO SA SHOWTIME TANDAAN MO HIND SYA DESERVING SIYA SHOWTIME HND DIN XA GRAND WINNER WLA XA AMBAG SA SHOWTIME REAL TALK!!!

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Umani tuloy ng reaksiyon ang post ni Johng mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Hahaha ganun talaga sa mundo kuya Jhong maraming Inggitiro ...laban lang hehehe"

"Apaka naman nyan kuya jong kulang sa aruga yan kaya ganyan utak🤣🤣🤣"

"nkopo ipag pray nalang natin kuya Johng Florendo"

"Happy n lng sana tayo sa mga blessings ng kapwa natin,wag n patulan mga ganyan tao kuya"

"Inggit po yan pag ganyan… don’t mind"

"mga inggit lang po yan ksi di po pasok ung anak nya sa showtime so dipo deserve ng anak nya un😂😂😂😂"

"Sinong engot na naman yan tito? Hindi siguro mahal ng magulang yan. Hahaha"

"Di mawawala sa mindo ang mga taong KSP God bless you boy!"

Matatandaang bago naging opisyal na host ng “It’s Showtime,” naging finalist si Cianne sa isang segment ng naturang noontime show na “Showtime Sexy Babe.”