Matapos manorpresa sa surprise birthday party ni Kapamilya Star Kathryn Bernardo kamakailan, heto't muli na namang naispatan si Kapuso Star Alden Richards sa isa sa mga milestone sa buhay ng aktres: ang housewarming party nito para sa bagong bahay.

MAKI-BALITA: ‘Pa’no si Jericho?’ Alden at Kathryn naispatang magkayakap

Dinaluhan ito ng malalapit na kaibigan ni Kathryn sa showbiz gaya nina Sofia Andres, Alora Sassam, Dominic Roque, Darren Espanto, direktor na si Petersen Vargas, at celebrity cosmetic doctors Aivee at Z Teo ng The Aivee Clinic.

Makikita mismo sa Instagram stories ni Kathryn ang pagdalo ni Alden sa kaniyang housewarming party, batay naman sa Instagram posts ni @boopyap.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Matatandaang marami ang nagshi-ship kina Alden at Kathryn, at umaasam na rin ang fans ng "KathDen" na matuloy na ang part 2 ng hit movie nilang "Hello, Love, Goodbye."

"What you see is what you get" naman ang sagot ni Alden nang mauntag siya kamakailan kung ano na ba ang real score sa pagitan nila ng ex-girlfriend ni Daniel Padilla.

“Hindi lang din talaga kailangan laging ipamalita sa social media ‘yong mga ganyan. But, you know, sometimes ‘yong mga personal things that’s happening better be personal na lang,” saad ni Alden sa panayam ng GMA Integrated News.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’