April 16, 2026

Home FEATURES Lifehacks

ALAMIN: Tips para malagpasan ang ‘Petsa de Peligro’

ALAMIN: Tips para malagpasan ang ‘Petsa de Peligro’
Photo courtesy: Unsplash

Hanggang saan aabot ang ₱500 sa mga susunod na araw? 

Para sa maraming Pinoy, tila isang malaking pagsubok ang pagkontrol sa lahat ng gastusin ilang araw bago ang sweldo dahil sa tinatawag na “Petsa de Peligro.” 

Ano nga ba ang “Petsa de Peligro?” 

Tinatawag din bilang “day of danger” sa wikang Ingles, ang Petsa de Peligro ay tumutukoy sa ilang araw bago ang nakatakdang araw ng suweldo, kung saan, ang budget ay nanganganib ng maubos. 

Kadalasan, dito umiiral ang diskarte ng marami sa pagkapit sa nalalabing pera sa wallet. 

Lifehacks

ALAMIN: Paglantak ng banana, nagdudulot ng sagad na ligaya!

Mula sa pag-iimbento ng mga kakaibang recipe gamit ang mga de lata at instant noodles, paglakad ng mahaba kaysa sumakay at magbayad sa tricycle o jeep, hanggang sa pag-aapply ng loans mula sa iba’t ibang online platforms. 

Ang Petsa de Peligro ay iginagapang ng mga Pinoy bago dumating ang parte ng pinaghirapang suweldo. 

Dahil dito, narito ang ilang tips upang matiwasay na matawid ang Petsa de Peligro: 

Magdala ng baon sa opisina 

Aminin man ng marami o hindi, sa pagkain napupunta ang halos kalahati ng suweldo tuwing kinsenas at katapusan dahil bukod sa isa itong necessity, minsan, ginagawa rin itong treat matapos ang mahabang araw sa trabaho. 

Ang araw-araw na pag-takeout ay nagdudulot ng pagkagipit bago pa man sumapit ang susunod na suweldo. 

Kaya batay sa iba’t ibang tipid tips, ipinapayo na malaking tulong ang pagbabaon ng pagkain at tubig sa opisina upang makapagtabi ng extra na pera.

Iwasan munang gumala tuwing weekend o holidays

Ituring na pahinga ang weekends mula sa mahabang linggo ng pagkayod sa trabaho at matutong tumanggi sa mga aya at kagustuhang gumala upang maiwasan ang karagdagang gastos sa pamasahe, pagkain, at shopping.

Huwag munang mag-“add to cart” 

Katulad ng “window shopping” sa malls, ang pagtingin-tingin sa online shops ay kadalasang nauuwi sa “add to cart” at “checkout.” 

Sa mga panahong humaharap sa Petsa De Peligro, matutong maghigpit ng sinturon at hangga’t maaari, mag-uninstall muna ng online shopping apps upang makalayo sa tukso ng pagbili. 

Ilimita sa cash ang payment mode

Batay sa iba-ibang pag-aaral, ang pag-wiwithdraw sa kinakailangan at saktong amount ay nakatutulong upang malimitahan ang paggastos kaysa paggamit ng card o e-wallet payment mode. 

Ito’y dahil may epekto na panghihinayang sa parte ng manggagawa kung pisikal nitong nakikita ang nauubos na cash sa wallet o kamay nito. 

Maghanap ng bagong raket 

Bukod sa “‘main job” na pinagkakakitaan, makatutulong din ang pagkakaroon ng raket o sideline para sa karagdang pasok ng pera. 

Kadalasan itong mula sa skillset na mayroon na ang isang manggagawa tulad ng malikhain pagsulat, baking, tutoring, graphic design, o kaya’y photography.