Pinag-uusapan ngayon ang pagsuko ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga sa Dasmariñas Component City Police Station kasunod ng arrest warrant laban sa kaniya dahil sa kasong cyber libel.
Sumuko si Barzaga bandang alas siyete ng gabi noong Lunes, Abril 13, kasama ang kaniyang abogado, ayon sa ulat ng Dasmariñas Component City Police Station.
Kasunod ito ng inilabas na arrest warrant ng Branch 147 of the Regional Trial Court sa Makati City noon ding Lunes kaugnay sa walong bilang ng paglabag sa cyber libel sa ilalim ng Section 4 (C) ng Republic Act 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
May inirerekomenda itong piyansa na nagkakahalagang P48,000 kada kaso, o kabuuang P384,000.
Nakapagpiyansa naman ang mambabatas bago mag-alas diyes ng gabi.
“The said subject person is now under the custody of Dasmariñas Component City Police Station for proper disposition. The accused was informed of his constitutional rights,” mababasa sa police report, ayon sa ulat ng Manila Bulletin.
SAAN NGA BA NAG-UGAT ANG EIGHT COUNTS OF CYBER LIBEL NI BARZAGA?
Kasalukuyang humaharap ang kongresista sa naturang kaso na nag-ugat sa kaniyang social media post, kung saan sinabi niyang may mga kongresistang tumanggap umano ng "bribe" kapalit ng suporta sa noo'y house speaker na si Martin Romualdez.
ENERO 9, 2026 — PAHAYAG NI BARZAGA: NUP Congressman tumanggap ng "bribe" kay Enrique Razon
Ayon sa naging pahayag ni Barzaga noong Enero 9, sinabi niyang tumanggap umano ng "bribe" ang mga mambabatas na miyembro ng National Unity Party (NUP) mula sa negosyanteng si Enrique Razon kapalit umano ng suporta kay Romualdez noong 2025 elections.
“NUP Congressmen received bribes from Enrique Razon in various gatherings in Solaire prior to the 2025 elections in exchange for supporting Speaker Martin Romualdez,” saad ni Barzaga.
Bago ito, nauna na rin sabihin ni Barzaga sa publiko na si Razon diumano ang “mastermind” ng korapsyon sa Kongreso sa ilang beses na pakikipagkita umano nito kay Romualdez noon.
“Enrique Razon is the mastermind behind the corruption in Congress, I will disclose everything in a speech once I return on the first week of February,” ayon sa mambabatas.
Dagdag pa dito, naglabas din si Barzaga ng ilang screenshot niya tungkol sa conversation umano nila ng NUP kung saan nanghihikayat itong suportahan ng mga mambabatas si Romualdez para maging House Speaker ng Kamara noong 2025.
ENERO 14, 2026 — RAZON, SINAMPOLAN NG CYBER LIBEL SI BARZAGA
Naghain ng reklamong two counts of cyber libel ang kampo ni Razon laban kay Barzaga noong Enero 14.
Ito ay nag-ugat umano sa naturang pahayag ni Barzaga tumanggap diumano ng “bribe" noong Halalan 2025 ang mga congressman na miyembro ng NUP mula kay Razon.
Basahin: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga
Sa parehong araw, sinabi ni Barzaga na handa siyang harapin si Razon.
"I am prepared to face Enrique Razon in court, the sooner, the better!" ani Barzaga sa kaniyang Facebook post. Mayroon pa itong #IkulongSiRazon sa dulo ng post.
Basahin: 'The sooner, the better!' Rep. Barzaga, handang harapin si Enrique Razon
Binakbakan pa ni Barzaga si Razon sa pamamagitan ng isang video message, kung saan iginiit niyang bagama’t saksakan ng yaman si Razon, ay nananatili pa rin daw itong mahirap sa mata ng Diyos.
“Enrique Razon may have all of our country's wealth at his disposal but he is poor and empty in the eyes of God,” ani Barzaga.
Saad pa niya, buo raw ang loob niyang labanan si Razon.
“We will fight corruption until the end in the face of imprisonment and death,” saad ni Barzaga. “We shall stand against this evil that plagues our beloved nation. Let justice be done.”
Basahin: 'He is poor in the eyes of God!' Rep. Barzaga, nanindigang lalabanan si Enrique Razon
Bukod dito, nagpahayag pa ang kongresista na dadalhin niya sa korte ang umano’y bribery case laban sa negosyante, kasabay ng kaniyang paninindigang ilahad ang mga ebidensiya kaugnay ng kaniyang mga alegasyon.
“I will be taking the Enrique Razon bribery case to the court,” ani Barzaga. “I will be presenting the evidence of my claims in both Congress and in Court.”
Ayon sa kaniya, ang hakbang ay bahagi ng kaniyang tungkulin bilang halal na opisyal upang panagutin ang mga umano’y may pananagutan, anuman ang kanilang estado sa lipunan.
Binatikos din ni Barzaga ang umano’y impluwensiya ng malalaking negosyante sa bansa.
“Our country is controlled by wealthy businessmen and Razon is the most powerful of them all,” pahayag niya.
Gayunman, iginiit ng kongresista na hindi siya uurong sa laban.
“But good must always stand against evil. No matter how wealthy and influential that evil is, for that is my duty as a trusted leader of the Filipino People.”
Basahin: Rep. Barzaga, handang maglatag ng ebidensya laban kay Razon
Nagawa ring maghabilin ni Barzaga kung sakali raw mapatay siya sa pakikipagtunggali niya kay Razon.
Sa isang post na inilabas ni Barzaga, sinabi ng mambabatas: “If I am to be killed fighting Enrique Razon, I want all of my money and property to go to stray animals.”
Samantala, sa parehong araw, nagbigay ng pahayag si Razon laban kay Barzaga.
Kasabay ng paghahain niya ng two counts of cyberliber laban kay Barzaga, sinabi ni Razon na dapat umanong magpaliwanag ang kongresista kung saan nanggaling ang kayamanan g kanilang pamilya.
“Barzaga should explain where their wealth comes from. He is a politician from a family that is only in politics—how did they become wealthy? Where does the cash that he posts in pictures come from?” ani Razon.
Dagdag pa niya, hindi umano karapat-dapat na manatili sa Kongreso ang mambabatas.
“He belongs in another kind of institution, not Congress,” pahayag pa ni Razon.
Basahin: Barzaga should explain! Razon, kinuwestiyon yaman ng mga Barzaga
ENERO 15, 2026 — IPINA-SUBPOENA SI BARZAGA
Naglabas ng subpoena ang Makati City Prosecutor's Office para kay Barzaga kaugnay sa cyber libel case na isinampa ni Razon.
Batay sa kopya ng nasabing subpoena na inilabas noong Enero 15, 2026, mayroong 10 araw si Barzaga na makapagsumite ng kaniyang counter affidavit.
Basahin: Makati Prosecutor, ipina-subpoena na si Rep. Barzaga, kaugnay ng cyberlibel case ni Razon
ENERO 19, 2026 — NAG-SORRY SI BARZAGA KAY RAZON
Sa isang Facebook post ng mamamahayag na si Ramon Tulfo noong Enero 19, nag-sorry na umano si Barzaga kay Razon.
“The controversial young lawmaker made the public apology in my TNT (Tito Mon and Torni Clint) podcast with lawyer Clint Aranas,” saad ni Tulfo sa caption.
Dagdag pa niya, “Barzaga said he was willing to face the consequences of his misdemeanor.”
Basahin: Congressmeow, nag-sorry kay Enrique Razon—Mon Tulfo
ENERO 20, 2026 - PAGHAHAIN NI HOUSE DEPUTY SPEAKER RONALDO PUNO NG CYBER LIBEL LABAN KAY BARZAGA
Sinampahan ng kasong cyber libel ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno si Barzaga sa Office of the Prosecutor sa Antipolo City dahil sa naging pahayag ng solon noong Enero 9, 2026, tungkol sa NUP.
Ayon naman sa naging paliwanag ni Puno mula sa kaniyang Facebook post, matapos niyang magsampa ng kaso noong Enero 20, sinabi niyang malisyoso at malinaw daw na intensyon ni Barzaga na sirain ang reputasyon ng NUP nang walang kahit anong basehan.
“Actions have consequences, especially when they are malicious and clearly intended to destroy reputations without any basis,” saad niya.
Dagdag ng Deputy Speaker, hindi raw puwedeng basta na lang mag-akusa si Barzaga sa kaniyang Facebook page sa NUP.
“You cannot casually accuse someone of a crime, broadcast it to millions, and expect to hide behind social media antics. We will pursue full accountability under the law,” diin niya.
Basahin: DS Ronaldo Puno, kinasuhan ng cyber libel si Rep. Kiko Barzaga
ENERO 21, 2026 - PAGHAHAIN DIN NI MANILA REP. ROLANDO VALERIANO NG CYBER LIBEL LABAN KAY BARZAGA
Kasunod ni Puno, sinampahan din ni Manila Rep. Rolando Valeriano ng kasong cyber libel si Barzaga kaugnay pa rin sa naging pahayag niya sa mga congressman ng NUP.
Ani Valeriano, nasira at naapektuhan na raw ni Barzaga ang kanilang samahan dahil umabot na sa 16 milyong bilang ang mga nakabasa at nakakita ng kaniyang naturang post.
“Wala pa at saka the damage has been done,” pagsisimula niya, “16 million of views at ngayon, tingin ko, ang tingin nila [ay] flavor of the month ‘yong mga congressman, ‘di ba?”
Dagdag pa niya, pangit o hindi raw maganda na ginagamit ni Barzaga ang ganoong sitwasyon para lang sumikat.
“Pangit naman ‘yong ganoon na kina-capitalize mo ‘yong ganoong sitwasyon para lang sumikat ka. So, hindi maganda ‘yon,” saad pa niya.
Basahin: Reklamo na naman? Rep. Kiko Barzaga, kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano
Nang personal namang matanong ng media kung anong masasabi niya tungkol kay Barzaga.
"Pakabait na siya...meow" aniya.
Basahin: Rep. Valeriano kay Rep. Barzaga: 'Pakabait na siya'
Sa kasalukuyan, Abril 14, pinatutsadahan ni Barzaga si Pangulong Bongbong Marcos.
"Pinakulong ako ni Marcos, pero lumalaban pa rin ako!" saad ng kongresista sa isang Facebook post nitong Martes, Abril 14.
"Ang dami na niyang ninakaw galing sa flood control, masyado na niyang pinataas ang presyo ng gasolina, kailangan na natin siyang tanggalin bilang presidente!" dagdag pa niya.
Basahin: Rep. Kiko Barzaga, may patutsada: 'Pinakulong ako ni Marcos, pero lumalaban pa rin ako!'
Namataan din si Barzaga sa pagdinig House of Representatives Committee on Justice sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nito ring Martes.