May 22, 2026

Home BALITA National

Rep. Kiko Barzaga, may patutsada: 'Pinakulong ako ni Marcos, pero lumalaban pa rin ako!'

Rep. Kiko Barzaga, may patutsada: 'Pinakulong ako ni Marcos, pero lumalaban pa rin ako!'
photo courtesy: PRO4A, Bongbong Marcos/FB

Matapos sumuko sa mga awtoridad noong Lunes ng gabi, Abril 13, pinatutsadahan ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga si Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

Matatandaang sumuko si Barzaga bandang alas siyete ng gabi kasama ang kaniyang abogado, ayon sa ulat ng Dasmariñas Component City Police Station.

Kasunod ito ng inilabas na arrest warrant ng Branch 147 of the Regional Trial Court sa Makati City kaugnay sa eight counts ng cyber libel case na inihain ng negosyanteng si Enrique Razon, House Deputy Speaker Ronaldo Puno, at Manila Rep. Rolando Valeriano.

May inirerekomendang piyansang P48,000 kada kaso, o kabuuang P384,000.

“The said subject person is now under the custody of Dasmariñas Component City Police Station for proper disposition. The accused was informed of his constitutional rights,” mababasa sa police report, ayon sa ulat ng Manila Bulletin. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Samantala, sa isang social media post nitong Martes, Abril 14, tila pinatutsadahan ni Barzaga si Marcos.

"Pinakulong ako ni Marcos, pero lumalaban pa rin ako!" saad ng kongresista.

"Ang dami na niyang ninakaw galing sa flood control, masyado na niyang pinataas ang presyo ng gasolina, kailangan na natin siyang tanggalin bilang presidente!" dagdag pa niya.

Gayunpaman, wala pang pahayag ang pangulo o ang Palasyo kaugnay sa pahayag ni Barzaga.

screenshot: Congressman Kiko Barzaga/FB

screenshot: Congressman Kiko Barzaga/FB

Kasalukuyang humaharap ang kongresista sa eight counts of cyber libel sa ilalim ng Section 4 (C) ng Republic Act 10175, or ang Cybercrime Prevention Act of 2012, matapos niyang sabihin sa kaniyang social media account na may mga kongresistang tumanggap umano ng "bribe" kapalit ng suporta sa noo'y house speaker na si Martin Romualdez.

Ayon sa naging pahayag ni Barzaga noong Enero 9, 2026, sinabi niyang tumanggap umano ng "bribe" ang mga mambabatas na miyembro ng National Unity Party (NUP) mula kay Razon kapalit umano ng suporta kay Romualdez noong 2025 elections.

Basahin: Sey ni Barzaga: NUP Congressmen, tumanggap umano ng 'lagay' kay Enrique Razon kapalit ng suporta kay Romualdez

Enero 14 nang maghain ng reklamong two counts of cyber libel sa Makati City Prosecutor's Office ang kampo ni Razon laban kay Barzaga. 

Basahin: 'Two counts pa!' Enrique Razon, sinampolan ng cyber libel case si Rep. Barzaga

Kaugnay na Balita: 'The sooner, the better!' Rep. Barzaga, handang harapin si Enrique Razon

Kinabukasan, Enero 15, naglabas ng subpoena ang Makati Prosecutor para kay Barzaga kaugnay sa naturang kaso na isinampa ni Razon. 

Basahin: Makati Prosecutor, ipina-subpoena na si Rep. Barzaga, kaugnay ng cyberlibel case ni Razon

Sa isang Facebook post ng mamamahayag na si Ramon Tulfo noong Enero 19, nag-sorry na umano si Barzaga kay Razon. 

Basahin: Congressmeow, nag-sorry kay Enrique Razon—Mon Tulfo

Matapos masampahan ng kaso ni Razon, nagsampa ng panibagong cyber libel case si House Deputy Speaker Ronaldo Puno laban kay Barzaga noong Enero 20.

Kaugnay ito sa naging pahayag ni Barzaga tungkol sa mga congressman sa NUP na tumanggap ng "bribe."

Sa naging paliwanag ni Puno, sinabi niyang malisyoso at malinaw daw na intensyon ni Barzaga na sirain ang reputasyon ng NUP nang walang kahit anong basehan.

Basahin: DS Ronaldo Puno, kinasuhan ng cyber libel si Rep. Kiko Barzaga

Kasunod ni Puno, sinampahan din ni Manila Rep. Rolando Valeriano ng kasong cyber libel si Barzaga kaugnay pa rin sa naging pahayag niya sa mga congressman ng NUP.

Ani Valeriano, nasira at naapektuhan na raw ni Barzaga ang kanilang samahan dahil umabot na sa 16 milyong bilang ang mga nakabasa at nakakita ng kaniyang naturang post.

Basahin: Reklamo na naman? Rep. Kiko Barzaga, kinasuhan ng cyber libel ni Manila Rep. Valeriano