Naglabas ng pahayag si beauty queen-Kapuso actress Herlene Budol matapos siyang masilipan habang nagsasagawa ng Instagram Live noong Abril 8, Lunes ng madaling-araw.

Kumakain si Herlene habang nakatutok sa kaniyang harapan ang camera nang bigla siyang tumayo para mag-banyo.

Kaya lang, parang nakalimutan niyang naka-underwear lang siya.

Nang mapagtanto niyang puwedeng nasilipan na siya, agad siyang bumalik at tinapos na ang live. Natanong pa niya ang mga nanonood sa kaniya kung may nakita ba sila.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Pero sa bilis pumindot ng mga netizen sa mga ganitong klaseng "eskandalo," agad itong na-record ng ilan at ipinakalat na sa social media.

May mga nambibintang kay Herlene na baka paraan lang daw ito para gumawa ng ingay at pag-usapan ulit siya.

Kaya agad namang nagpaliwanag si Herlene sa kaniyang post noong Lunes din.

"Big issue agad sa panty? Personally, I dont see anything wrong for the panty issue. Nag rarampa nga ako sa entablado wearing Swimsuit. Halos abot hanggang langit nga hugis ng swimsuit ko, tapos ito panty lang. Well, its part of human error & always remember mistake is part of human being," aniya.