Patay na nang makita ang katawan ng isang Chinese national na nakahandusay sa parking lot ng isang gusali sa Mabini Street sa Malate, Maynila nitong araw ng Miyerkules, Abril 10.

Sa ulat ng Manila Bulletin, ang tanging pagkakakilanlan sa dayuhan ay nakasuot ito ng puting t-shirt at maong pants sa nabanggit na parking lot. Nakita naman ang cellphone nito sa lugar.

Tinutukoy pa umano ng mga awtoridad kung saang gusali siya nagmula; kung sa hotel na may siyam na palapag o sa katabi nitong condominium. Inaalam pa kung may foul play sa nangyari.

Agad na dinala sa punerarya ang mga labi ng biktima.
National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'