Tila dumarami ang mga aktor na nangangarap na makatrabaho ang Outstanding Asian Star na si Kathryn Bernardo ngayong siya ay nasa solo era na.

Sa ulat kasi ng ABS-CBN News noong Sabado, Abril 6, inusisa sa ginanap na media conference ng “Elevator” ang lead star na si Paulo Avelino tungkol sa kung sinong artistang gusto niyang makatrabaho in the near future.

Matagal umano bago nakasagot ang aktor kaya nagkaroon ng pagkakataon ang ilang interviewer na banggitin ang pangalan ng co-star niya sa “What’s Wrong With Secretary Kim?” at “Linlang” na si Kim Chiu.

Pero sabii ni Paulo: “Si Kim na naman. Why not? Gusto ko naman siya katrabaho.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Si Kathryn, she is trying to transition into more mature roles baka maging bagay ako sa mga proyektong gagawin niya,” dugtong niya.

Bukod kay Paulo, naghayag din ng interes sina Jericho Rosales at Piolo Pascual na makasama nila sa isang proyekto ang Outstanding Asian Star.

MAKI-BALITA: Piolo Pascual, bet makatambal si Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Jericho Rosales bet makatrabaho si Kathryn Bernardo