Kahit hindi pa muling nabubuntis si Jessy, may nakahanda na raw agad silang pangalan ng asawa niyang si Luis Manzano para sa kanilang second baby.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Bunda” noong Biyernes 5, sinabi ni Jessy kung ano ang magiging pangalan ng kasunod nilang anak at ang dahilan kung bakit nila ito napili.

“Mayroon na kaming name. Actually kahit pa girl or boy, ‘Ocean.’  Mahilig talaga kami sa dagat, sa tubig, and we are beach lovers,” lahad ni Jessy.

“So, talagang sabi ko: ‘Pwede, ‘no, sa girl or sa boy, ‘Ocean?’ ‘Ocean Tawili Manzano,” dugtong pa niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Samantala, sa naunang bahagi ng panayam, inilarawan naman ni Jessy si Luis bilang isang asawa at kung paano siya nito lalong pinapaibig.

MAKI-BALITA: Jessy Mendiola, lalong naiinlab kay Luis Manzano

Matatandaang noong 2021 ay ikinasal sina Jessy at Luis sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Lipa City Batangas.

Pero nitong Pebrero ay ikinasal na silang dalawa sa simbahan sa isang exclusive resort sa Coron, Palawan.