Sa ganda raw ng katawan at datingan ngayon ni Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo, puwedeng-puwede raw siyang gumanap bilang "Marimar" kung sakaling ireremake ito ng ABS-CBN.

Iyan ang panawagan ng mga netizen nang makita ang beach photos ni Kath sa April cover ng isang lifestyle magazine.

Matatandaang ang nabanggit na Mexican telenovela ay pinagbidahan ni Thalia noong 1994, na ni-remake naman sa Pilipinas ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagluklok sa kaniya sa pedestal ng kasikatan noong 2007. Sa pangalawang pagkakataon, ni-remake naman ito ni Miss World 2015 Megan Young.

Ginawan ng pubmat ng ilang netizens si Kathryn na kunwa'y siya ang gaganap na Marimar sa ABS-CBN version.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Mababasa sa Facebook page na "Universal Production Manila," Kapamilya Actress na si Kathryn Bernardo nakitaang pwedeng gumanap bilang Bagong 'Marimar.'

"Ayon sa ilang director, at netizen bagay si Kathryn bilang maging susunod na Marimar, ang karakter na orihinal na ginampanan ng Mexican superstar na si Thalía noong 1994 at ng Kapuso actress na si Marian Rivera noong 2007."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Wow, YES NA YES! Bagay na bagay sa kaniya. Acting wise, the looks..."

"Tapos si Alden Richards o kaya si Jericho Rosales ang Sergio..."

"Yes Marimar 2024!!!"

"Bagay na bagay sa kaniya, nakaka-excite naman!"

"Ay wala na bang iba? Kakasawa na Marimar. Gawa na lang bago."

"Sorry pero kapag sinabing Marimar, matik na si Marian Rivera na kaagad ang naiisip. Hindi na mabubura ni Kathryn 'yan o kahit na sino pa 'yan, kahit nga si Megan Young na sa GMA pa ginawa!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Kathryn o ang ABS-CBN tungkol dito.