Inilarawan ng aktres at mommy na si Jessy Mendiola ang mister niyang si Luis Manzano nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa latest episode ng naturang programa nitong Biyernes, Abril 5, inamin ni Jessy kay Boy na lalo raw siyang naiinlab sa kaniyang asawa.

“I got to see him as a father. And you know talagang sabi ko, grabe. Iba talaga ‘yong growth ng isang person. Kasi bago naman dumating si Peanut syempre mga 2 years na rin kaming kasal,” lahad ni Jessy.

“So, parang nakita ko na rin siya as a husband. Pero ito talagang season niya ngayon as a father, parang mas lalo akong naiinlab sa kaniya. Kasi parang ito ‘yong una mo siyang makikita na hindi ‘yong kayong dalawa lang ang iniisip niya, e,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dagdag pa niya: “Mayro’n na siyang iniisip na sobrang importanteng bagay sa kaniya. And para sa akin, grabe lang talaga ‘yong happiness niya. Grabe ‘yong growth niya. Makikita mo ‘yong growth niya.”

Matatandaang noong 2021 ay ikinasal sina Jessy at Luis sa pamamagitan ng isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Lipa City Batangas.

Pero nitong Pebrero ay ikinasal na silang dalawa sa simbahan sa isang exclusive resort sa Coron, Palawan.