Nilinaw ng Kapamilya actress-model na si Maymay Entrata na hindi ang kaniyang "foreign ex-boyfriend" na si Aaron Haskell ang tinutukoy niya sa pahayag na "I took the wrong path again (2021)" sa kaniyang latest Instagram post kung saan ibinida niya ang kaniyang Christian baptism.

"I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him. When He wrapped His arms around me, without condemning who I was and what I did, it was my turn to surrender all that I am & all that I do for Him — acknowledging that it is He who is in control of my life and not me. Now, I want to seek Him first before anything else because I know by doing so, everything will fall into its right place," bahagi ng Instagram post ni Maymay.

Karina Bautista, PH navy reservist na

View this post on Instagram

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Sa kaniyang X post, nilinaw ni Maymay na hindi si Aaron ang tinutukoy niya rito. Nagpaalala siya sa kaniyang fans at supporters na huwag i-bash ang kaniyang ex.

"Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag explain ng konti about dun sa last post ko sa IG. 'I took a wrong path again nung 2021' it was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love. I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po," paliwanag pa niya.

https://twitter.com/maymayentrata07/status/1774571282144862550

Noong Marso, nakumpirma ang hiwalayan nang dalawa, na nag-umpisa nang mapansin ng mga netizen na hindi na naka-follow si Maymay sa Instagram account ni Aaron, at nag-delete na rin ng photos nila together ang Kapamilya actress. Dahil dito, hinala ng mga netizen na wala na sila, pero wala pa itong kumpirmasyon mula kay Maymay.

Si Aaron ay nakabase sa Canada at long distance relationship o LDR sila ni Maymay.