Wala na namang nanalo sa 6/49 Super Lotto draw nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), hindi nahulaan ang winning combination na 08-25-45-19-06-49.

Nasa ₱83,878,060.20 ang jackpot sa nasabing draw.

Huling napanalunan ang pinakamalaking jackpot na ₱640,654,817.60 sa isinagawang Super Lotto draw nitong Enero 16.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Hindi rin tinamaan ang ₱49.5 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nang hindi mahulaan ang 6 digits na winning combination na 33-17-07-18-50-57.

Nitong Pebrero 29, tinamaan ang aabot sa ₱175,160,965.20 nang mahulaan ng solo winner ang number combination na 04-07-57-05-54-47. 

Binobola ang Super Lotto tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang Ultra Lotto draw ay kada Martes, Biyernes at Linggo.