May hinihintay na sagot o kumpirmasyon sina Ogie Diaz at Mama Loi kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial, nang matalakay nila sa "Ogie Diaz Showbiz Update" ang umano'y sightings kay Sarah Lahbati na may kasamang afam sa Hong Kong.

Sey daw ng nagpadala ng larawan kay Ogie, nakita raw niya si Sarah sa kabilang table ng kinakainang restaurant sa HK habang may kasamang afam.

"So sino 'yong kasamang lalaki?" tanong ni Mama Loi.

"Ay hindi natin alam," ani Ogie. "Ito ba ay bagong manliligaw ni Sarah? O baka naman kamag-anak ni Sarah. Eh kasi raw parang natapunan ng something 'yong lalaki, pinunasan ni Sarah..."

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Nahiya raw lumapit ang kumuha ng larawan at nagpadala nito kay Ogie dahil baka nga naman makaistorbo siya sa dalawa. Sey naman ni Mama Loi, baka raw nahiyang lumapit at magpa-picture ang source niya dahil kumakain nga ito kasama ang lalaki.

Nang tanungin ang source kung kasama ba ni Sarah ang mga anak nila ni Richard Gutierrez, sinabi nitong walang itong kasama kundi silang dalawa lang ng afam.

Ani Mama Loi, wala naman daw problema kung may bagong manliligaw o jowa si Sarah dahil hiwalay na sila ni Richard at gumugulong na rin daw ang annulment case nila. Si Richard naman daw ay nali-link kay Barbie Imperial.

"Well, if that is the case, oo naman. Hintayin pa rin natin," sey na lang ni Ogie. "Hintayin natin baka may sabihin si Sarah tungkol sa pictures na 'yan."

Pati raw ang pagkaka-link ni Richard kay Barbie ay maiging hintayin din ang sagot.

"Even 'yong kay Richard and Barbie, hintayin din natin kung sila ba or hindi naman sila at talagang magkaibigan lang sila, 'di ba?

MAKI-BALITA: Sarah Lahbati naispatang may kasamang afam sa Hong Kong?

Matatandaang naugnay na rin ang dalawa nang mamataang magkasama sa isang bar, na pagkaklaro ni Ogie, isa sa mga stockholder ang aktres.

Nilinaw ni Ogie na wala raw dapat malisya ang nabanggit na mga larawan dahil inestima lang daw ni Barbie si Richard bilang bar owner.

Na sinegundahan naman ni Cristy Fermin sa showbiz vlog niyang "Showbiz Now Na."

Naaawa raw siya kay Barbie dahil lagi na lamang itong nakakaladkad sa mga ganitong klaseng intriga.

Unang- una, wala naman pong katotohanan na may relasyon sila ni Richard."

“Nagkatagpo lang sila, nagkataon lamang po ‘yon na nagkita sila sa isang bar. Umupo lamang po si Richard sa tabi ni Barbie. Wala pong katotohanan na binantayan niya si Barbie hanggang CR. Kalokohan po ‘yon, OA na po ‘yon to the highest degree. Nagkita lamang po sila sa isang bar at dahil konektado sa hiwalayan si Richard kay Sarah, natural doon napokus ang atensyon ng mga naroon.”

“Hindi po natin dapat na husgahan at maliitin si Barbie Imperial. Unang-una, wala po siyang kasalanan dito. at hindi naman niya nilalandi si Richard Gutierrez. Wala pong ganoon,” sundot pa ni Cristy.

MAKI-BALITA: Anong meron? Richard at Barbie, naispatang magkasama sa Alabang

MAKI-BALITA: Ogie Diaz may isiniwalat tungkol kina Richard Gutierrez at Barbie Imperial

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, nilalandi ba ni Barbie Imperial?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Richard at Barbie tungkol sa isyu.