Nagtalaga na ang Malacañang ng bagong officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP).

Sa kautusan ng Malacañang na may petsang Marso 27, pansamantala munang hahawakan ni Lt. Gen. Emmanuel Baloloy Peralta, ang PNP kasunod na rin ng pagreretiro ni dating PNP chief, General Benjamin Acorda nitong Marso 31.

Si Peralta ay dating Acting Deputy Chief for Administration ng PNP.

Matatandaang magreretiro na sana si Acorda noong Disyembre 3, 2023 matapos maabot ang mandatory retirement age na 56. Gayunman, pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang termino hanggang Marso 2024.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Itinalaga si Acorda sa puwesto noong Abril 24, 2023.